Naging sentro ng atensiyon ang isinagawang pagpupulong nina US President Joe Biden at Queen Elizabeth II.
Ito’y matapos dumalo si Biden sa Group of Seven leaders o G7 summit sa Cornwall, England kung saan agad naman itong dumiretso sa Windsor castle.
Unang nagkita si Biden at Queen Elizabeth nuong unang araw ng G7 summit kasama nito ang ibang lider ng bansa na kabilang sa G7 leaders.
Bukod dito, nagbigay pa ng royal welcome ang mga honour guard at matapos ay pumasok sa palasyo sina Biden at Queen Elizabeth.
Tumagal ng mahigit 40 minuto ang paguusap ngdalawang opisyal sa loob ng palasyo.
Ayon kay Biden, napag-usapan nila ang tungkol kay Russian Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping.
Maguguntiang kasama sa G7 countries ang mga bansang US, Canada, Britain, Italy, Germany, France at Japan sa England upang magkaisa para tapatan ang patuloy na pag-unlad ng China.