Anim na sundalo ang sugatan makaraang maka-engkwentro ang mga miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao.
Ayon kay 33rd infantry Battalion Commander Lt. Col. Harold Cabunoc, nangyari ang bakbakan sa pagitan ng 2nd mechanized infantry brigade at 40th infantry batallion laban sa BIFF.
Aminado si Cabunoc na bagamat watak-watak at maliit na lamang ang bilang ng BIFF ay posible pa ring makapaghasik ng karahasan ang mga ito.
Sa kabila ng insidente, pursigido pa rin ang militar na malansag ang mga natitira pang miyembro ng BIFF.
By: Meann Tanbio