Itinanggi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na sila ang nasa likod ng panibagong pagsabog sa Isulan, Sultan kuDarat.
Ayon kay BIFF Spokesman Kumander Abu Misry Mama, hindi sila nandadamay ng sibilyan sa kanilang mga ipinaglalaban.
Inamin ni Mama na hindi makakalusot ang kanilang mga miyembro para magtanim ng bomba dahil mahigpit ang seguridad ng mga awtoridad.
Magugunitang isang improvised explosive device (IED) na gawa sa mga pako sa loob ng isang chicken restaurant sa Brgy. Calawag 2 na ikinasugat ng labing walo (18) katao.
—-