Iginiit ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na miyembro ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria at hindi ang kanilang grupo ang nakasugapa ng Moro Islamic Liberation Front o MILF noong linggo sa Maguindanao.
Ayon kay BIFF Spokesperson Abu Misri Mama, hindi sila ang nagtanim ng bombang sumabog sa Barangay Andavit , Datu Salibo Maguindanao na ikinasawi ng limang miyembro ng MILF.
Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana ng Army’s 6th Civil Military Operations Battalion na ang limang MILF member ay mga tauhan ni Commander Asrap.
Si Asrap ay isa sa mga MILF Commander na kabilang sa Task Force Ittihad na tumutulong sa mga pulis at sundalo sa pagtugis at pagsugpo sa BIFF sa lalawigan.
Una ng nakipagbakbakan ang naturang MILF troupe sa tropa ni BIFF Commander Esmael Abdulmalik sa Mamasapano, Maguindanao.
Samantala, matagal nang tinutugis ng mga awtoridad ang grupo ni Abdulmalik na nagbibitbit ng ISIS flag at nag-rerecruit ng mga kabataan sa ilang bayan sa Maguindanao.
By Arianne Palma