Tinukoy na ng North Cotabato Provincial Police ang grupong nasa likod ng pambobomba sa 2 steel towers ng National Grid Corporation of the Philippines sa pikit, noong Biyernes nang gabi.
Ayon kay Senior Insp. Sindato Karim, Hepe ng Pikit Municipal Police, ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa pangunguna ng isang commander Carianan ang nanguna sa pambobomba sa NGCP sa barangay Batulawan.
Bagaman itinanggi ng NGCP na pangingikil ang rason, kumbinsido ang pulisya na pananabotahe ang pangunahing dahilan ng pag-atake ng BIFF.
Ang nabanggit na insidente ay naka-apekto sa power supply sa ilang bahagi ng North Cotabato maging sa Maguindanao.
Samantala, naka-heightened alert na ang pulisya katuwang ang militar bilang paghahanda sa posible pang pagsalakay ng bandidong grupo.
By: Drew Nacino