Isang pulis at patay habang limang (15) iba pa ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa Shariff Aguak sa lalawigan ng Maguindanao nitong Linggo, Disyembre 31, 2017.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsasagawa ng mobile patrol ang mga pulis sa nasabing bayan nang pasabugan ang kanilang sasakyan.
Nakilala ang nasawi na si SPO4 Max Kaibat habang ang mga sugatan naman ay sina PO3 Jalison Abdullah, PO1 Archie Amelista, Ricardo Almonia, PO1 Alimodin Nuphay at PO1 Zainoden Abdullah.
Agad dinala sa Maguindanao Integrated Hospital ang mga sugatan habang nagpapatuloy naman ang clearing operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang siyang nasa likod ng naturang pag – atake sa pulisya.