Sinamantala lamang ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sitwasyon sa Marawi City sa ginawang pag-atake naman nito sa bahagi ng North Cotabato.
Ito’y ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla matapos salakayin ng mga elemento ng BIFF ang augmentation outpost sa Barangay Malagakit sa bayan ng Pigcawayan sa naturang lalawigan.
Tila sinubukan aniya ng BIFF ang tropa ng pamahalaan kung nakatutok lamang ang pansin nito sa Marawi City ngunit nabigo ang mga bandido.
Bagama’t aminado si Padilla na nagsanib puwersa na nuon pa ang mga terrorist group sa Mindanao, nilinaw ni Padilla na hindi iyon isang diversionary attack kung hindi pagpapapansin lamang ng BIFF.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping