Nauwi sa engkuwentro ang planong pagnanakaw ng dalawang baka ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Pikit, North Cotabato.
Tatlo ang patay sa panig ng mga hinihinalang mga bandido kung saan, isa sa mga iyon ay isang pugante mula sa nangyaring jail break sa lalawigan nuong Enero.
Kinilala ng mga awtoridad ang tatlo na sina Tarzan Buntasil, Kensem Dungandong at Rusman Salik Mohammad.
Dahil dito, agad nagsilikas ang mga residente sa pagsiklab ng bakbakan ngunit agad ding nakabalik ang mga iyon sa kanilang kabahayan kalaunan.
By: Jaymark Dagala