Posibleng mayroong international bomb expert na nagsasanay sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na gumawa ng bomba.
Ito ay ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, matapos madiskubre ang mahigit sa 100 bomba sa Maguindanao.
Sinabi ni Padilla na hindi magagawa ng BIFF ang pagtatanim ng napakaraming improvised explosive device kung walang tulong ng eksperto.
Tiniyak naman ni Padilla na kanilang ginagawa ang lahat upang ma-detonate ang lahat ng bombang nakita sa lugar.
By Katrina Valle | Jonathan Andal