Patay ang hinihinalang lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at 11 miyembro nito sa engkwentro sa pagitan ng militar at grupo sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Ayon sa 6th Infantry Division ng Philippine Army, 7 sundalo ang sugatan sa nangyaring bakbakan sa Sitio Pendililang, Barangay Kitango.
Kaugnay nito, kinilala ng militar ang nasawing hinihinalang lider ng BIFF Nasi Mohiden Animbang o Karialan, na Chairman ng Karialan Faction, at kapatid nitong si saga animbang na operation chief ng kanilang grupo.
Samantala, hindi pa matukoy ng mga sundalo ang pagkakakilanlan ng 10 iba pang nasawi sa operasyon. – sa panunulat ni Charles Laureta