Timbog ang isang kumander ng BIFM o Bangsamoro Islamic Freedom Movement sa Cotabato City pasado alas-12:00 kaninang hatinggabi.
Nakilala ang suspek na si Hassan Indal alias Kumander Abu Asam, Political Vice Chairman at Internal Affairs Chief ng BIFM at Fourth Division Commander ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Patay naman ang anak ni Kumander Abu na si Ali Indal nang lumaban sa raiding team.
Ipinabatid ni Cotabato City Police Director Senior Supt. Raul Supiter na ni-raid ng mga otoridad ang bahay ng mga suspek sa Sitio Kapinpilan, Brgy. Kalangan Uno sa lungsod matapos makatanggap ng impormasyong sa lugar nagtatago ang mag-ama.
By Judith Larino