Maghahanap ng susunod na K-Pop sensation ang kompanyang nasa likod ng South Korean boy band BTS.
Ayon sa ulat, maglulunsad ng global audition program ang Big Hit Entertainment sa Estados Unidos sa 2022.
Sinasabing makakatuwang ng Big Hit sa programa ang Universal Music Group na layuning makakuha ng mga bagong talento na kanilang sasanayin at gawing bagong K-Pop boy band.