Pawang small time o maliliit na opisyal lamang ang pinanagot sa maanomalyang kontratang may kinalaman sa maintenance ng Metro Rail Transit (MRT).
Ayon kay Sammy Malunes, Spokesman ng Riles Network, dapat ay isinama si Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Jun Abaya, dating DOTC Secretary Mar Roxas at maging ang Pangulong Benigno Aquino III na aniya’y kapwa may command responsibility sa naturang usapin.
Sinabi sa DWIZ ni Malunes na pinag-aaralan na nila kung paano mapapanagot ang mga nasabing opisyal sa aniya’y napakalaking korupsyon sa bansa.
“Pero yung mga big players, andiyan hanggang ngayon nagpapasasa, pinag-iisipan namin kung paano ito hanapan ng legal remedy kung pano isangkot talaga itong mga pinuno. Itong sina Marlon dela Cruz, sila Vitangcol, sila Soriano, mga small players lang ito, hindi naman ito big players ng administrasyong ito eh, ang mga big players ay sina Abaya, Mar Roxas at Aquino, no less than the President.” Pahayag ni Malunes.
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas
1 comment
I hope this group will also dig out the other anomalies as mentioned in articles of Mr. J. Bondoc. Like the nego deals on the the rail grinder, the new maintenance contract anomaly and even the Chinese train deal – which is over priced and the proto type arrived without an engine.