Posibleng umabot ng dalawang piso ang taas presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.
Magkakaroon ng taas presyo sa kada litro ng gasolina mula P1.45 hanggang P1.55.
Habang P1.95 hanggang P2.05 ang dagdag sa kada litro ng diesel.
Samantala, P1.90 hanggang P2 naman ang taas presyo sa kada litro ng kerosene.