Patay sa buy bust operation ang isang big time drug pusher sa Naga City sa Camarines Sur.
Kinilala ni Police Master Sergeant Tobias Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police ang suspected drug pusher na si Ryan Nolasco, 36 anyos, residente ng bayan ng Magarao.
Ani Bongon, sinubukang magbenta ni Nolasco ng 100g ng shabu na nagkakahalaga ng halos P700,000 sa barangay Carolina bandang alas-9:35 kagabi.
Nang tila mapansin ng suspek na kahinahinala ang perang ibinayad sa kaniya, binitiwan niya ito at agad bumunot ng baril at ipinutok sa undercover na pulis.
Dito na gumanti ng putok ang iba pang pulis kung saan tinamaan si Nolasco.
Ayon kay Bongon, nag ooperate si Nolasco sa Camarines Sur at iba pang bahagi ng Albay, kinukuha aniya nito ang kaniyang suplay ng iligal na droga sa Metro Manila.