May panibagong big time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes, Agosto 9.
Sa pagtaya ng ilang kumpanya ng langis, maglalaro sa P2.00 hanggang P2.20 ang tapyas sa kada litro ng gasolina; P2.10 hanggang P2.30 sa diesel; habang P2.50 hanggang P2.70 naman sa kerosene.
Kabilang sa mga nakikitang dahilan ng rollback sa petrolyo ay ang epekto ng ipinatupad na pagtaas ng US Federal Reserve noong nakaraang buwan.
Ngayong araw inaasahang maglalabas ng abiso ang mga oil company kaugnay sa ipatutupad na bawas-presyo sa langis.
Batay sa pinakahuling paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo, nasa P19.65 per liter na ang net increase sa gasolina habang P32.35 per liter sa diesel ngayong taon.