Sumalubong sa unang araw ng Pebrero ang malakihang taas-presyo sa kanilang Liquified Petroleum Gas (LPG) ang kumpanyang Petron.
Epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi P5.30 kada kilo ang ipinataw na umento ng Petron sa kada kilo ng kanilang LPG o katumbas P58.30 dagdag kada tangke.
Maliban dito, nagtaas din ng tatlong piso (P3.00) kada litro ang Petron sa kanilang Auto-LPG.
Ayon sa Petron, ang naturang taas-presyo sa LPG ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa world market.
By Ralph Obina