Epektibo na ang ipinataw na malaking buwis ng Amerika sa bakal at aluminum na nagmumula sa bansang kaalyado nito sa Europa at North America simula ngayong araw.
Sa bagong kautusan, 25 percent na buwis ang ipapataw sa bakal at 10 percent naman para sa aluminum na nagmumula sa European Union, Mexico at Canada.
Nagulat naman dito ang nasabing mga bansa at agad na nagpahayag ng pagtutol.
Handa naman ng EU na magpapasaklolo sila sa World Trade Organization para mamagitan sa naturang usapin.
—-