Big time na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang sasalubong bukas sa mga motorista.
P2.10 ang inaasahang madaragdag sa presyo ng kada litro ng diesel, P1.75 sa kada litro ng gasolina samantalang P2.65 sa kada litro ng kerosene.
Ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay bunga pa rin ng pagbabawas ng suplay ng mga oil producing countries dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.