Aarangkada na ang malakihang dagdag presyo sa produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis bukas.
Batay sa abiso ng Shell at Cleanfuel, may dagdag na P6.85 sa kada litro ng diesel at dagdag na P1.20 sa kada litro ng gasolina.
Habang ang Shell lang ang may dagdag na P3.50 sa kada litro ng kerosene.
Epektibo ang oil price hike bukas ng ala-6:00 ng umaga.
Nakatakda naman ang taas presyo ng kumpanyang Clean Fuel bukas ng alas-8:01 ng umaga.
Ang pagtaas ng presyo ng diesel, kerosene at gasolina ay bunsod ng pagtaas ng langis sa pandaigdigang merkado.