Inilarga na ng mga kumpaniya ng langis ang big time oil price hike nito ngayong araw.
Piso at tatlumpung sentimos (P1.30) ang umento sa kada litro ng diesel; nobenta sentimos (P0.90) sa kerosene habang apatnapu’t limang sentimos (P0.45) naman sa gasolina.
Unang nagpatupad ng naturang price adjustment ang kumpaniyang Flying V kaninang alas-12:01 ng madaling araw.
Habang sumunod na ang iba pang mga kumpaniya ng langis tulad ng Petron, Shell, Seaoil, Unioil, Phoenix at Eastern Petroleum sa kanilang umento dakong alas-6:00 ngayong umaga.
Ayon sa Department of Energy, nasa apat na piso na ang itinaas ng presyo ng gasolina, mahigit tatlong piso sa diesel habang mahigit piso naman sa kerosene sa kada litro.
Ito na ang pinakamataas na presyo ng mga produktong petrolyo mula noong Disyembre 2016.
—-