Panibagong oil price hike ang aasahan ng mga motorista bukas, Hunyo a-siyete.
Sa ipinalabas na abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ipatutupad nila ang P2.70 sentimong umento sa kada litro ng gasolina; P6.55 sentimo sa kada litro ng diesel; at P5.45 sentimo naman sa kada litro ng kerosene.
Sinabi naman ng kumpanyang Cleanfuel na ipatutupad nito ang kaparehong price adjustment, maliban sa kerosene.
Ang muling pagsirit ng presyo ng petrolyo ay bunsod ng pagtaas ng demand nito sa ilang mga bansa dahil sa summer season, pag-ban ng European Union (EU) sa Russian oil at pagluwag ng COVID-19 restrictions sa China.