Matapos ang naranasang dagdag-bawas sa produktong petrolyo noong mga nakaraang linggo, muling magkakasa ng big-time oil price hike sa susunod na linggo.
Base sa pagtataya ng mga nasa oil industry, papalo sa P6 hanggang P7 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel.
P2 hanggang P3 naman ang dagdag sa kada litro ng gasoline.
Inaasahang ipapatupad ang nasabing dagdag-presyo sa susunod na linggo.