Magpapatupad bukas ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. AT Seaoil Philippines Inc., magkakaroon ng taas-presyo na P1.40 sa bawat litro ng gasolina habang P6.10 naman sa kada litro ng diesel at kerosene.
Ipatutupad rin ng kumpanyang Cleanfuel ang nasabing price adjustment maliban sa kerosene.
Una nang sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad na ang paggalaw sa presyo ng oil products sa world market ay dahil sa mataas na demand sa petroleum products ng Estados Unidos at Europe.