Inaasahang tataas pa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market.
Batay sa monitoring ng oil industry, mula Lunes hanggang Miyerkoles ngayong Linggo ay tumaas ng piso at walumpung sentimo (P1.80) ang kada litro ng imported diesel at piso at beinte sentimos (P1.20) ang itinaas naman ng imported gasoline habang nasa piso at limampung sentimo (P1.50) naman sa kada litro ng kerosene.
Subalit ang price adjustment ay depende pa sa takbo ng kalakalan hanggang ngayong araw na ito.
Bukod sa nagbabadyang taas presyo, posible rin ang price adjustment sa ilang gasolinahan dahil sa mas mataas na excise tax.
Dahil dito, may dagdag buwis na mahigit dalawang piso (P2.00), magkakaroon pa ng taas presyo dahil sa paggalaw ng presyo ng imported petroleum.
Nangangahulugan ito na kung 1.80 ang taas presyo ng imported gasoline na papatungan ng 2.24 excise tax, papatak na 4.04 ang dagdag prersyo sa kada litro ng gasolina sa susunod na linggo.
—-