Taas presyo sa mga produktong petrolyo ang tiyak na sasalubong sa mga motorista sa unang linggo ng 2022.
Ayon sa mga taga-industriya, maglalaro sa 1.90 pesos hanggang dalawang piso ang posibleng umento sa kada litro ng gasolina.
Nasa 2.20 pesos hanggang 2.30 pesos naman ang posibleng itaas sa presyo ng diesel sa kada litro habang 1.80 pesos hanggang 1.90 pesos naman ang itaas sa kada litro ng kerosene.
Paliwanag ng mga kumpanya ng langis, tumaas ang demand sa petrolyo noong nakaraang linggo sa kabila ng pagkalat ng Omicron variant at humina rin ang palitan ng piso kontra dolyar.
Samantala, nagpatupad naman ng big-time rollback sa presyo liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis.
Nasa 2.55 pesos kada kilo ng isang tangke ang bawas-presyo ng Solane, Petron Gasul at Phoenix Super LPG.