Asahan ang bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa ulat, aabot sa P0.90 hanggang P1.05 ang inaasahang tapyas sa kada litro ng diesel, P0.40 hanggang P0.60 na bawas sa gasolina habang P0.70 hanggang P0.90 naman na diskwento sa kerosene.
Dahil sa sunod-sunod na rollback, nasa P3.50 na ang nabawas sa presyo ng diesel habang P3.00 naman sa gasolina.
Ito na ang ika-pitong sunod na rollback sa presyo ng langis ngayong taon.
By Ralph Obina