Naka amba ang big time rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at iba pang produktong petrolyo.
Sa March 1 inaasahang ipatutupad ang rollback sa presyo ng LPG ng mula P3 hanggang P5 kada kilo o P33 hanggang P55 sa kada regular na tangke.
Samantala, naka-amba rin ang malakihang rollback sa presyo ng diesel at gasolina.
Halos piso na kasi ang ibinaba ng presyo ng diesel sa merkado sa unang tatlong araw pa lamang ng trading.
Ang pagbagsak ng presyo ng langis ay bunga pa rin ng pangamba sa covid 19.