Nagpatupad ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayon.
Kabilang sa nag-abiso na ang Shell at PTT, na nagsisimula ng rollback kaninang alas-6:00 ng umaga.
Kasamang nagbaba ng presyo ng petrolyo ang Eastern Petroleum, Sea Oil, Petron, Flying V, at Phoenix Petroleum.
Umabot hanggang P1.50 centavos ang bawas sa kada litro ng diesel, habang 1.20 centavos ang kaltas sa halaga ng gasolina.
Ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunga ng pagbagsak ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
By Avee Devierte