Inihayag ni Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician Dennis Mapa na malaking tulong sa pagbagal ng inflation rate sa buwan ng Disyembre ang sunod-sunod na tapya-presyo sa produktong petrolyo sa bansa.
Ayon kay Mapa, makakatulong sa publiko partikular na sa mga mamimili ang mabagal na antas nang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at mga serbisyo ang big-time oil price rollback.
Matatandaang naitala ang 4.2 percent na inflation rate sa buwan ng nobyembre na mas mababa kung ikukumpara sa naitala noong buwan ng oktubre na pumalo naman sa 4.6 percent.—sa panulat ni Angelica Doctolero