Bukas, araw ng Martes inaasahang ipatutupad ng mga kumpanya ang langis ang big time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Piso at tatlumpung sentimo (P1.30) hanggang piso at singkwenta sentimos (P1.50) ang inaasahang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel habang P1.00 hanggang P1.20 sentimos naman sa kada litro ng gasolina.
Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), umabot na sa 25 percent ang ibinaba ng net retail price ng langis lalo na ang diesel.
By Len Aguirre