Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang kanilang buena-manong dagdag-singil sa kanilang LPG o Liquified Petroleum Gas ngayong Marso.
Epektibo simula kaninang alas-dose ng hatinggabi ang dalawampiso’t nobenta sentimong dagdag sa kada kilo ng cooking gas ng kompanyang Petron.
Katumbas ito ng 32 pisong dagdag-presyo sa 11-kilogram cylinder ng kanilang LPG.
Karagdagang piso’t sisenta’y-singko sentimos naman para sa kada kilo ng kanilang auto – LPG.
Epektibo naman kaninang ala 6:00 ng umaga ang dalawang piso’t sisenta sentimong dagdag-presyo sa kada kilo ng LPG ng kompanyang Solane.
Samantala, ang pagtaas ng presyo ng LPG ay bunsod umano ng mataas na demand nito sa pandaigdigang merkado.