Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga “Bigtime Rice Trader” ng NFA o National Food Authority na humarap sa kanya.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nais ng pangulo na malaman ang kasalukuyang estado at totoong sitwasyon ng suplay ng bigas sa bansa.
Posible rin aniyang matalakay sa kanilang pagpupulong ang isyu sa pagmamanipula sa presyo at pang-iipit sa stock ng bigas.
Sinabi ni Piñol na tiyak na igigiit ng pangulo na hindi dapat magsakripisyo ang mga Pilipino sa mataas na presyo ng bigas.