Nakatakdang magpatupad ng malakihang bawas presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Base sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, aabot sa P1.50 sentimo hanggang P1.60 sentimo ang matatapyas sa kada litro ng diesel.
Habang 90 sentimo hanggang piso naman ang mababawas sa kada litro ng gasolina.
Inaasahang magiging epektibo ang oil price rollback sa darating na araw ng martes.