Good news sa mga motorista!
Asahan ang big time rollback na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes.
Batay sa magkakahiwalay na anunsiyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., magpapatupad sila ng P5.70 na bawas-presyo sa kada litro ng gasolina, P6.10 sa diesel at P6.30 naman sa kerosene.
Ipatutupad rin ng kumpanyang Cleanfuel at Petro Gazz ang kaparehong tapyas-presyo, maliban sa kerosene.
Una nang sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau director Rino Abad na ang price adjustments ay dulot ng lockdown sa China, interest rate hikes sa iba’t ibang bansa, at banta ng recession na maaaring magdulot ng ‘demand destruction’.