Dumating na sa Metro Manila ang tinatayang 14,000 commercial regular milled rice mula sa Isabela Rice Millers Association.
Ito, ayon kay National Food Authority-Cagayan Valley Regional Director Mario Gonzales, ay upang matiyak ang sapat at murang supply ng bigas sa gitna ng issue na nagkaka-ubusan na ng stock ang NFA.
Idineliver ang mga nabanggit na bigas lulan ng labing-pitong truck sa mga warehouse ng NFA.
Nangako aniya ang nabanggit na rice millers group na mag-de-deliver ng isandaanlibong sako ng bigas upang makamit ang target o hangga’t hindi pa dumarating ang imported rice sa ikatlong linggo o katapusan ng Mayo.
Ang inisyal na delivery ng commercial regular milled rice mula Isabela ay nagkakahalaga ng 27.3 million pesos na mabibili ng 39 pesos kada kilo.