Plano ng Philippine National Police (PNP) na gawing biglaan ang susunod na earthquake drill.
Ito ay para malaman kung ano ang magiging tugon ng mga kawani ng Pambansang Pulisya sakaling tumama ang malakas na lindol.
Ayon kay Police Chief Supt. Efren Perez, pinuno ng PNP Directorate for Police Community Relations, sa ganitong paraan ay mas matutukoy ang kakulangan sa kanilang paghahanda.
Idinagdag pa ni Perez na balak din nilang gawin ang drill sa gabi kung kailan mas maraming empleyado ang nagpapahinga na sa loob ng Crame.
Metro shake drill
Samantala, umaabot sa 5,000 katao ang nakiisa sa earthquake drill sa Camp Crame kahapon.
Sa naturang drill, dalawa ang nagpanggap na namatay habang 7 ang kunwaring nasugatan.
Tumagal ng 17 minuto ang nasabing earthquake drill.
Ang grandstand sa loob ng Kampo Crame ang itinalagang evacuation area sakaling tumama ang malakas na lindol.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal