Maituturing nang second wave ng COVID-19 ang biglaang pagsipa ng mga naitatalang bagong kaso ng virus sa bansa.
Ito’ ayon sa University of the Philippines (UP) pandemic response team makaraang maitala ang 5,000 bagong mga kaso ng virus na pinakamataas sa nakalipas na pitong buwan.
Ayon kay Jomar Rabajante, miyembro ng UP pandemic response team, ikukonsidera nila itong second wave dahil sa ito ang ikalawang pinakamataas na bagong kaso na naitala sa bansa mula nang magsimula ang pandemiya.
Bagay na kinontra naman ni UP OCTA – research group member Prof. Guido David dahil sa hindi pa naman ganap na napababa ang bilang ng mga bagong kaso ng virus mula noong isang taon.
Hindi naman natin napababa o na-reduce to zero or kahit ano negligable yung number of cases natin pero naiintindihan ko naman yung ibang sinasabi nila na second wave, depende sa perspective ng tumitingin ‘yan kasi pwede nilang masabi na ibang wave dahil pagtitingnan mo yung number of active cases parang bundok siya, dati bumaba yung active cases so, pwedeng masabi nating second wave sa ganung paraan pero para sa akin first wave pa din ito,” ani David.