Nais ni Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Cynthia Villar na paimbestigahan sa Senado ang biglaang pagtaas ng presyo ng bawang sa merkado.
Naniniwala si Villar na may nagaganap na cartel sa likod ng pagsipa ng presyo ng bawang sa mga pamilihan.
Ayon kay Villar, ang tumataas na halaga ng bawang ay katulad ng pangyayari noong 2014 kung saan ang presyo nito ay tumaas ng mahigit P300 kada kilo kung kaya pinaimbestigahan niya ito noon sa Senado.
Inakala aniya niya na nabigyan na ng leksyon ang mga nasa likod ng cartel noong nakaraang pagdinig sa Senado, pero mistulang hindi pa rin ito nahihinto.
By: Meann Tanbio