Iniimbestigahan na ng Department of Agriculture (DA) ang biglaang pagtaas ng presyo ng manok sa mga pamilihan.
Katwiran ng DA, walang dahilan para tumaas ang presyo ng manok dahil sa sapat naman aniya ang suplay nito sa buong bansa.
Batay sa monitoring, umakyat ng P10.00 hanggang P30.00 ang iminahal ng kada kilo ng manok ngayon sa merkado.
Idinadahilan naman ng mga negosyante, nagtaas sila sa presyo ng manok dahil sa epekto ng El Niño at new castle virus.
By Ralph Obina