Ibinabala ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa oras na malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN bill.
Ayon kay Zarate tiyak na papasanin ng mga mamimili ang epekto nito sa halos lahat ng produkto at serbiyso.
Dagdag pa ng Kongresista walang proteksyon ang mga konsyumer sa ilalim ng naturang panukala kaya’t direktang mararamdaman ng konsyumer ang pagtaas ng presyo.
Inihalimbawa pa ni Zarate ang pagkakaroon ng taas-singil sa kuryente na mula Php0.04 hanggang Php0.08 per kilowatt-hour.
Papatawan rin ng buwis sa ilalim ng TRAIN ang diesel ng 2.50 centavos kada litro, Piso kada litro sa LPG,
Syete Pesos kada litro ng gasolina sa susunod na taon, at posibleng tumaas pa ito ng 6 Pesos, 3 Pesos at hanggang 10 Pesos sa 2020.