Asahan na ang biglaang buhos ng ulan ngayong araw ng halalan lalo sa hapon o gabi.
Ayon sa PAGASA, inaasahang makararanas ang buong bansa ng biglaang malakas na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Sa ngayon ay apektado naman ang Mindanao ng low-pressure na namataan sa bahagi ng San Luis, Agusan Del Sur.
Isa pang low pressure area ang mino-monitor ng PAGASA sa Pacific Ocean.
Samantala, isang frontal system o pinagsamang mainit at malamig na hangin ang nagdudulot ng mga pag-ulan sa Northern Luzon.