Nagbabala ang Moro Islamic Liberation Front o MILF na posibleng ang Islamic State o IS ang makinabang sa hindi pagkakapasa ng BBL o Bangsamoro Basic Law.
Nagpahayag ng pangamba si Murad Ebrahim, Chairman ng MILF na baka samantalahin ng IS ang pagkadismaya ng maraming mamamayan ng Mindanao makaraang mabinbin sa kongreso ang BBL.
Ibinunyag ni Murad na may mga pagtatangka na ang IS na makalikha ng teritoryo sa Mindanao sa pamamagitan ng pagre-recruit ng maraming miyembro.
Gayunman, matagumpay anya ang MILF sa pagkumbinsi sa kanilang mga kababayan na ang paglagda ng kasunduang pangkapayapaan at pagkakaroon ng tunay na otonomiya sa Mindanao ang tugon sa kanilang mga problema at hindi ang paglahok sa IS.
By Len Aguirre