Arestado ang sinasabing bigtime drug pusher sa lalawigan ng Cebu at dalawang iba pa sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Talisay City sa nasabing lalawigan.
Tinatayang aabot sa humigit kumulang 750,000 pisong halaga ng shabu ang nalambat mula sa grupo ni Jerome Labitad.
Bago naaresto, nakatakas muna si Labitad mula sa isang buy bust operation sa parehong lugar subalit hindi siya tinantanan ng mga pulis.
Kaya’t patuloy lamang sa paniniktik ang mga pulis partikular na sa mga galamay nito na dahilan din kaya’t nalaglag na rin ang mga ito sa kamay ng batas.