Asahan na ang panibagong big-time oil price hike sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), sumirit ang presyo ng langis base sa nakalipas na three day trade.
Sinabi ng DOE na posibleng sumipa sa P1.85 hanggang mahigit 2 pesos ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel, P1.50 sa gasolina kada litro at piso sa kerosene.
Sa Lunes malalaman ang eksaktong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.