Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong bigtime price increase ngayong huling linggo ng Pebrero.
Epektibo alas-12:00 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Chevron Philippines ang piso’t kwarenta’y singko sentimos (P1.45) na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina at diesel habang piso’t trenta’y singko sentimos (P1.35) sa kerosene.
Ipinatupad din ng Shell, Petron, Flying V, Jetti, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Total, Seaoil at Petro Gazz ang kahalintulad na dagdag presyo ngayong alas-6:00 ng umaga.
Ang panibagong oil price hike ay bunsod ng mas mataas na excise tax sa langis at paggalaw ng presyo ng krudo sa international market.
Simula Enero ay sais pesos at sisenta’y nwebe sentimos (P6.69) na ang itinaas ng kada litro ng diesel, halos sais pesos (P6.00) sa gasolina habang kwatro pesos at singkwenta’y dos sentimos (P4.52) sa kerosene.
—-