Epektibo na ngayong araw ang bigtime oil price rollback sa mga produktong petrolyo.
P1.60 ang ipinatupad na tapyas ng mga kumpanya ng langis sa kada litro ng gasolina;
P1.40 ang bawas sa presyo ng kerosene o gaas, habang P1.85 naman sa kada litro ng diesel.
Paliwanag ng Department of Energy, ang paggalaw sa presyo ay bunsod ng pagbaba ng demand sa Organization of the Petroleum Exporting countries.
Inaasahan naman ng ahensya na magpapatuloy pa rin sa mga unang buwan ng 2024 ang mababang pangangailangan sa langis.