Inaasahang mapapatupad ng bigtime rollback ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
Ayon sa Department of Energy, maglalaro sa P 1.30 hanggang P 1.45 kada litro ang bawas sa presyo ng diesel.
Piso at sampung sentimos naman hanggang P 1.20 kada litro ang rollback sa gasolina habang 80 sentimos hanggang 90 sentimos naman sa kada litro ng kerosene.
Matantandaang, anim na beses na sunod-sunod na linggo tumaas ang produktong petrolyo kasabay ng pagpapatupad ng mas mataas na excise tax simula pa lamang ng taon.
Posted by: Robert Eugenio