Inihayag ng OCTA Research Team na dapat bigyan ng pagkakataon ang umiiral na ‘NCR plus bubble’ ng pamahalaan para mapababa ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng reasearch group, nararapat lang na pagbigyan ang umiiral na restriksyon sa NCR plus sa loob ng dalawang linggo.
Ani Rye, sa paraang ito dapat ding i-test kung may naitatala bang pagkaunti ng sa kaso ng virus dahil sa paghihigpit na ito.
Pero ani rye, kung hindi naman gumana ang general community quarantine (GCQ) sa NCR plus, sana ani rye ay ikunsidera ng pamahalaan ang muling pagpapatupad ng mecq o modified enhanced community quarantine sa loob ng dalawang linggo.
Sa huli, ibinabala ni Rye na kung hindi agarang tutugunan ang nagpapatuloy sa pagsirit sa kaso ng COVID-19 ay maaaring maging dahilan para mapawalang say-say o bisa ang lahat na ginagawang paraan para masugpo ang virus.