Napalaya ng Pakistani soldiers ang isang dayuhang pamilya na bihag ng Taliban sa Afghanistan.
Kinilala ang mga bihag na si Joshua Boyle , isang Canadian at Amerikanang asawa nito na si Caitlan Coleman.
Ang dalawa ay binihag ng Taliban noong 2012 sa kanilang paglilibot sa Afghanistan.
Ang tatlong anak ng mag-asawa ay isinilang habang sila ay bihag na ng mga terorista.
Ayon sa ulat, nasagip ang mag-anak sa operasyon ng Pakistani Army malapit sa Afghan border.
—-